46-ANYOS NA KUBRADOR, ARESTADO SA ILIGAL NA PAGSUSUGAL SA VILLASIS

Arestado ang isang 46-anyos na lalaki matapos masangkot sa iligal na pagsusugal sa pamamagitan ng Small Town Lottery sa Barangay Poblacion Zone 1, Villasis, Pangasinan.

Sa operasyon na isinagawa ng Villasis Municipal Police Station at Regional Intelligence Division PRO 1, naaktuhan ang suspek na nangongolekta ng taya para sa iligal na STL.

Hiningan ito ng mga legal na dokumento bilang patunay ng kanyang trabaho sa awtorisadong operator, ngunit nabigo itong magpakita.

Nasamsam mula sa suspek ang labing-isang piraso ng hindi awtorisadong betting paraphernalia at bet money na nagkakahalaga ng ₱740 sa iba’t ibang denominasyon.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 na inamyendahan ng Republic Act 9287.

Ipinaalala naman ng mga awtoridad na tanging mga awtorisadong operator ng Small Town Lottery lamang na may permiso mula sa PCSO ang pinahihintulutan at legal na alternatibo sa iligal na larong numero.

Facebook Comments