46 Barangay Captains sa bayan ng Tumauini, Nagdeklara ng Persona-non-Grata laban sa CPP-NPA-NDF

38

Cauayan City, Isabela-Lumagda ang apatnapu’t anim (46) na Punong Barangay sa bayan ng Tumauini, Isabela upang ideklara na Persona-non-Grata ang mga kasapi ng CPP-NPA-NDF.

Pinangunahan ni Mayor Arnold Bautista ang pagpupulong kasama ang iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan.


Tinalakay naman ni LTC. LEMUEL A BADUYA, pinuno ng 95IB ang ilang usapin sa umano’y karahasan, patuloy na panlilinlang ng rebeldeng grupo kasama ang mga legal na prente upang maging daan na makapanghikayat ang mga ito ng dagdag na miyembro kanilang grupo.

Hinikayat nito ang mga kapitan ng barangay na makiisa para tuluyan ng matapos ang insurhensiya na nanatili ng higit sa limang dekada at upang makamit ang tunay na pag-unlad sa bawat komunidad sa bansa.

Nagpasalamat ang pamunuan ng 95IB sa mga dumalo upang ipanawagan ang dulot na karahasan umano ng grupo at sana ay maipalaganap pa ang tamang impormasyon at maibigay ang maayos na serbisyo sa kani-kanilang mga nasasakupan laban sa mga itinuturing na terorista.

Facebook Comments