46 Muslims PDLs, pinalaya sa panahon ng Ramadan

Courtesy: Bureau of Corrections

46 Muslim persons deprived of liberty (PDLs) ang napalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) sa panahon ng Ramadan.

Karamihan sa mga napalayang Muslim PDLs ay expired na ang sentensya, habang ang iba ay acquitted at nabigyan ng probation at parole.

Sa ngayon, umaabot na sa 754 Muslim PDLs ang napalaya sa ilalim ng Marcos administration.


Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang, 3,014 Muslim PDLs ang nakakulong sa iba’t ibang prison and penal farms sa bansa.

Karamihan sa kanila ay nakapiit sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa.

Facebook Comments