Inihayag ngayon ng Commission on Elections Dagupan City na nakapagtala ito ng kabuuang 46 na mga kabilang sa double registrants matapos isagawa ang clearing at cleansing sa voter’s list sa lungsod.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Dagupan City Election Officer Atty. Michael Franks Sarmiento natukoy ang mga ito noong nakalipas na dalawang linggo sa pamamagitan ng isinagawang cleansing at clearing ng mga Election Registration Board na gumamit ng Automated Fingerprints Identification System ng ahensya.
Aniya, kanila nang agad na nilinis at inalis sa listahan ang mga natukoy na indibidwal dahil isa ito sa hakbang upang matukoy ang talagang mga registrants o botante sa lungsod.
Dagdag pa ng opisyal, natawag na double registrants ang isang indibidwal dahil mali ang kanilang ginawa, halimbawa aniya, ang isang tao ay galing sa ibang lugar at kasalukuyang botante sa lugar na iyon ngunit ito ay umuwi halimbawa sa Dagupan City at ito ay nagparegistro ay matatawag na itong double registrant, dahil imbes na mag-transfer ito ang ginawa niya ay nag-apply ng bagong registration.
Binigyang diin ng opisyal na ang sinumang natukoy na mga double registrants ay makakatanggap ng consequence na hindi na ito maaaring makaboto sa darating na BSKE.
Dagdag pa niya na ipinaksil na ng kanilang tanggapan ang mga pangalan ng mga napasama sa double registrants sa lungsod. |ifmnews
Facebook Comments