46 na mga bahay, naabo sa sunog sa Danao City sa Cebu

Cebu, Philippines – Umabot sa 46 na mga bahay ang natupok ng apot at dalawa ang nasugatan sa nangyaring sunog sa dalawang barangay sa lungsod ng Danao sa northern Cebu.

Nagtamo ng paso ang may-ari ng bahay na pinagmulan ng sunog na si Willena Hermoso at ang kaniyang special child na anak sa sunog sa sityo Ylana boundary ng dalawang barangay na Cogon at Tuburan Sur sa Danao City.

Ayun kay Senior Fire Officer 1 Rosello Mata, natanggap nila ang alarma sa sunog alas 3:12 ng ng hapon at idiniklarang under control pagkaraan ng 14 minuto.


Facebook Comments