46 na pulis, nadagdag sa bilang ng mga positibo sa COVID-19

Nadagdagan pa ang mga pulis na positibo sa COVID-19 na ngayon ay umaabot na sa 4,179.

Batay sa ulat ng Philippine National Police Public Information Office (PNP-PIO), kahapon ay may panibagong 46 na mga pulis ang infected ng COVID-19.

23 sa mga nagpositibo nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO), walo sa Police Regional Office (PRO) 8, lima sa PRO 4-A, tatlo sa National Administrative Support Unit, tig-dalawa sa National Headquarters, National Operation Support Unit at PRO 2.


Pero good news, dahil sa bilang ng mga nagpositibo, 2,842 na ang gumaling habang inoobserbahan pa ang 710 na pulis na ikinokonsiderang mga probable case at 2,867 na pulis ang suspected case ng COVID-19.

Nananatili naman sa 16 na pulis ang naitatalang namatay dahil sa COVID-19.

Facebook Comments