46 na pulis, nagpositibo sa random drug test ayon sa PNP

46 na pulis ang nagpositibo sa random drug test.

Batay ito sa datos ng Philippine National Police (PNP) mula January hanggang December 18, 2020.

Ayon kay PNP Chief General Debold Sinas, 20 dito ay galing sa National Capital Region Police Office (NCRPO).


5 ay mula sa Special Action Force (SAF) na pawang mga patrolman.

Sila ay nagpositibo sa random drug test na ginawa sa training center nitong December 4.

Sumunod sa pinakamarami ang PRO-4A na may 8 pulis na nagpositibo.

Tig-4 sa PRO-7 at PRO-11 at 3 ang positibo sa paggamit ng iligal na droga sa PRO-4B.

Habang 2 sa PRO-9 at habang tig-1 sa NHQ, PRO-2, PRO-8, PRO-10 at BAR.

Ang mga pulis na ito ay nadisarmahan na at ngayon ay nahaharap na sa mga kasong kriminal at administratibo.

Facebook Comments