Aabot sa 463 milyong kabataan sa buong mundo ang walang kakayahang lumahok sa mga virtual schooling o classes base sa isinagawang pag-aaral ng United Nations Children’s Fund.
Ayon kay Henrietta Fore , Executive Director ng UN Children’s Fund, bunsod ito ng epekto ng COVID-19 sa ekonomiya ng maraming bansa kung saan ilang paaralan din ang nagsara.
Tinatayang aabot naman sa 1.5 milyong kabataan sa buong mundo ang naapektuhan ng pagsasara.
Sa mga bansa sa buong mundo na limitado ang kakayahan sa virtual education, nangunguna ang:
– 67 milyong kabataan sa Eastern at Southern Africa
-54 milyon sa Western at Central Africa
-80 sa Pacific at East Asia
-37 milyon sa Middle East at North Africa
-147 milyon sa South Asia
-13 milyon sa Latin America at Caribbean.