46,338 na bagong contact tracers, idedeploy sa mga evacuation centers sa mga binahang lugar

Iniutos ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na ideploy ang abot sa 46,338 na bagong contact tracers upang matunton at ma-obserbahan ang anumang sintomas ng COVID-19 .

Ayon kay Año, mayroon na ngayong army of 46,338 contact tracers na na-ideploy sa iba’t ibang Local Government Units (LGUs) sa buong bansa.

Layon din nito na matiyak na naipatutupad ang minimum health standards sa mga evacuees.


Itinalaga rin ang mga ito para magpapamahagi ng mga face masks, alcohol at iba pang health kits.

Halos nakamit na ng DILG ang target nito na 50,000 contract tracers na lalaban sa COVID-19 pandemic.

Sa ngayon ay may 3,662 CTs na lang ang kinakailangang kumpletuhin para makamit ang target.

Ang National Capital Region na naging epicenter ng COVID-19 ay mayroong 7,362 contact tracers habang ito naman ang bilang sa ibang mga lugar:
• Region 3 – 5,026
• Region 7 – 4,241;
• Calabarzon – 3,679
• Region 6 – 3,306
• Region 9 – 3,267
• Region 11 – 3,041
• Region 5 – 2,736;
• Caraga Administrative Region – 2,544;
• Region 10 – 2,000

Facebook Comments