47-ANYOS NA LALAKI NA TUBONG ASINGAN, PATAY SA LEPTOSPIROSIS

Patay ang isang 47-anyos na lalaking tinamaan ng leptospirosis dahil sa paglusong sa baha sa bayan ng Asingan.

Iniulat ng kanyang pamilya na hindi gumamit ng proteksyon ang biktima na may sugat pa sa paa noong lumusong sa baha.

Nagpakita ito ng mga senyales ng leptospirosis gaya ng pagtaas ng temperatura sa kaniyang katawan, pagsusuka, at paninilaw ng mata.

Nagbabala ang lokal na pamahalaan ng Asingan ukol sa panganib na dulot ng pagbaha. Nanawagan ang ahensya sa publiko na agarang kumunsulta sa health centers oras na makaramdam ng ilang sintomas ng leptospirosis.

Samantala, libre ang gamot at serbisyong medikal ang iniaalay ng Municipal Health Office (MHO) kung sakaling may nangangailangan ng agarang tulong o pagpapagamot.

Facebook Comments