47 convenience fee ng Meralco, kinuwestyon ng DOE

Pinuna ng Department of Energy (DOE) ang pagpapataw ng Manila Electric Company (Meralco) ng 47 pesos na “convenience fee” sa bill ng kanilang mga konsumer sa pamamagitan ng kanilang website at mobile application.

Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, nagpadala na sila ng sulat sa Meralco kung bakit sila naningingil ng ganitong fees kapag gagamitin ng kanilang kustomer ang application system.

Giit ni Cusi, pabigat lamang sa bulsa ang ginagawa ng Meralco sa kanilang mga konsumer


Tugon ni Meralco Legal and Corporate Governance Head William Pamintuan, ang online payment option ay ibinigay sa kanilang mga kostumer dahil sa apela nilang magkaroon ng 24/7 na payment option.

Sa ngayon, nagpadala na ang Meralco ng sagot sa DOE hinggil dito.

Facebook Comments