Nasa 47 liblib na barangay sa Pangasinan ang nabenepisyuhan na ng libreng internet access sa pangunguna ng Department of Information and Technology at Pamahalaang Panlalawigan.
Lima dito ay mula sa barangay ng Bani, Infanta,Burgos, Dasol,Mangatarem, Sual, Mabini, dalawa sa Bolinao,San Nicolas, Umingan , tatlo sa Natividad at apat sa Anda.
Matatandaan na lumagda sa isang Memorandum of Agreement o MOA ang DICT at Pamahalaang Panlalawigan noong 2021 para sa nasabing programa.
Prayoridad sa nasabing programa ang mga tinatawag na Geographically Isolated and Disadvantaged Areas o GIDA.
Layunin ng programa na mapabuti ang serbisyo publiko sa edukasyon, public health and safety, revenue generation at socio-civic activities. | ifmnews
Facebook Comments