Natapos na ang bagong tulay sa bahagi ng Bugtong village na nilagyan ng gamit para ma-accommodate ang mga residente ng bayan ng Malasiqui.
Ang dating dalawang-lane na tulay ay ngayon ay apat na lane na may 36.80-lineal meter na tulay.
Sinabi ni Esperanza Tinaza, information officer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Ilocos, ang pagpapalawak ng Bugtong Bridge sa kahabaan ng Camiling-Wawa-Bayambang-Malasiqui-Sta. Barbara Road ay pinangunahan ng DPWH-Fourth District Engineering Office.
Dagdag nito na ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng P47.1 million na pinondohan sa ilalim ng General Appropriations Act of 2021.
Laking pasasalamat ng mga residente dito na maiibsan ang pagbaha sa lugar matapos na makumpleto ang konstruksyon nito.
Ang natapos na tulay ay nagbibigay na ngayon ng mas ligtas, mas mabilis, at mas magandang paglalakbay sa mga motorista, at ang paghahatid ng mga kalakal ay magiging mas madali para sa mga residente dito at kalapit lugar.| ifmnews
Facebook Comments