47 volcanic earthquake, naitala sa Bulkang Bulusan

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 47 volcanic earthquakes sa Bulkang Bulusan sa Sorsogon sa nakalipas na 24 oras.

Batay sa PHIVOLCS, bumaba naman ang volume ng sulfur dioxide (SO2) emission nito sa 424 tonelada mula sa 751 toneladang SO2 na naitala noong June 23.

Bahagya namang tumaas ang plume emissions nito o singaw sa 350 metro patungo sa direksyong kanluran-hilagang kanluran at hilagang kanluran.


Nauna nang inihayag ng PHIVOLCS na posible pa rin ang phreatic eruption dahil sa patuloy na aktibidad ng Bulkang Bulusan, na nanatili sa Alert Level 1.

Facebook Comments