470 barangay sa bansa, ASF-free na – Department of Agriculture

Nasa 22 barangay pa sa bansa ang mayroong epekto ng African Swine Fever (ASF),

Ayon kay Director Ruth Miclat-Sonaco ng International Training Center on Pig Husbandry ng Department of Agriculture (DA), kinabibilangan ito ng; Agusan del Norte, Surigao del Sur, Ilocos Norte, Cagayan, Isabela, Leyte, Samar, at Misamis Oriental.

Umabot naman sa 470 barangay sa bansa ang na-clear na sa sakit o wala nang naitatalang kaso ng ASF.


Samantala… as of August 13 ay nasa 58 na samples na ng mga baboy ang positibo sa ASF na malaki ang ibinaba kumpara sa 442 nagpositibong sample noong nakaraang buwan.

Facebook Comments