472,000 COVID-19 vaccines, naiturok lang sa isang araw – DOH

41

Naitala ng Department of Health (DOH) ang mataas na daily vaccination rate.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, aabot sa 472,356 vaccine doses ang naiturok nitong Huwebes, July 2.


Dahil na rin sa banta ng Delta variant, sinabi ni Vergeire na kailangang paigtingin ang pagbabakuna lalo na sa senior citizens at persons with comorbidities na mataas ang risk sa severe COVID-19.

Pero sinabi ni Vergeire, ang vaccination rate ng bansa ay nakadepende pa rin sa global vaccine supply.

Facebook Comments