47TH CITY DEVELOPMENT COUNCIL MEETING, ISINAGAWA SA LUNGSOD NG CAUAYAN

Cauayan City – Tagumpay ang pagsasagawa ng ika-47 City Development Council Meeting sa lungsod ng Cauayan nitong buwan ng Hunyo.

Layunin ng naturang pagpupulong na ibahagi ng iba’t-ibang ahensya at sektor ng pamahalaang lungsod ng Cauayan ang kanilang napagtagumpayang mga proyekto at programa ganundin ang kanilang mga imumungkahi para sa susunod na taon.

Unang iniulat ni Engr. Juanito D. Malillin, Jr. ang mga proposed priority projects para sa taong 2025, sumunod naman na ibinahagi ni Ms. Maria Christine Ordoñez ang data-based accomplishments ng Gender and Development ganunrin ang kanilang mga aktibidad.


Watch more balita here: 𝗣𝗔𝗚𝗗𝗜𝗥𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗦𝗘𝗧𝗔𝗦 𝗙𝗘𝗦𝗧𝗜𝗩𝗔𝗟, 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔𝗬𝗔𝗡

Ibinahagi rin ni CDRRMO Officer Ronald Viloria ang kanilang ginagawang mga plano at aksyon sa kanilang opisina, sinabi rin ng kinatawan ng Persons with Disabilities Affairs Office na si Jonathan Galutera ang kanilang mga programa at aktibidad, habang ibinahagi naman ni Mrs. Lakambini Cayaba ang DILG Memorandum Updates.

Samantala, dumalo sa naturang pagpupulong ang mga opisyal at kawani ng pamahalaang lungsod ng Cauayan sa pangunguna ni Hon. Mayor Jaycee Dy, Government Line Agencies, Civil Society Groups, non-government employees at mga punong barangay.

Facebook Comments