Cauayan City, Isabela- Nasa kategorya ng ‘high risk’ epidemic classification ang 46 bayan at 2 siyudad sa rehiyon dos dahil sa tumataas pa rin ang bilang ng aktibong kaso sa nakalipas na dalawang linggo o mataas ang Average Daily Attack Rate.
Sa Isabela, kinabibilangan ito ng mga ng bayan ng San Pablo, Tumauini, Cabagan, Gamu, Ramon, Aurora, Jones, Cordon, Angadanan, San Manuel, San Mariano, Santa Maria, Quezon, San Agustin, Delfin Albano, Mallig, Cauayan City maging ang coastal town ng Palanan ay nasa high-risk classification na rin.
Habang sa lalawigan ng Cagayan ay ang mga bayan naman ng Baggao, Aparri, Lal-lo, Alcala, Peñablanca, Ballesteros, Claveria, Iguig, Gattaran, Gonzaga, Amulung, Santa Ana, Buguey, Enrile, Piat, Sto. Niño, Sanchez Mira, Rizal, at Sta. Teresita.
Kasama rin ang mga bayan ng Aglipay, Cabarroguis,Saguday, Nagtipunan, at Diffun sa lalawigan ng Quirino at mga bayan naman ng Solano, Bayombong, Bagabag, Aritao, at Sta. Fe sa Nueva Vizcaya.
Maliban dito, nasa ilalim naman ng critical risk epidemic ang mga bayan ng Cabatuan, Naguilian at Burgos sa Isabela; Tuao at Camalaniugan sa Cagayan; Maddela sa Quirino province at bayan ng Kasibu at Dupax Del Sur sa Nueva Vizcaya.
Ayon sa DOH, ang mga nabanggit na lugar ay nasa kategorya ng ‘critical’ matapos makapagtala ang mga ito ng mataas na “growth change rate” sa kanilang mga aktibong kaso ng COVID-19.
Nananatili pa rin ang Tuguegarao City na may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa buong rehiyon.
Sa kasalukuyan, nasa 7, 282 ang aktibong kaso sa buong Cagayan Valley.