
Na-monitor ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang 48 Chinese Vessels sa apat na maritime features sa West Philippine Sea sa nakalipas na Linggo.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, mayroong 10 People’s Liberation Army Navy Ships at 11 Chinese Coast Guards ang namataan sa Bajo de Masinloc.
Samantala, sa Ayungin Shoal nasa kabuuang 12 na CCGs naman ay namataan.
Nasa kabuuang walo naman ang namataan sa Escoda Shoal kung saan tatlo dito ang PLA Navy at lima dito ang Chinese Coast Guard.
At sa Pagasa, dalawa PLA Navy at limang Chinese Coast Guard na may total na pito na Chinese vessels.
Samantala sa tala ng AFP sa buong buwan ng Enero, umabot sa mahigit 19,000 na barko ang na-monitor na dumaan sa maritime domain ng Pilipinas, kung saan mahigit 16,000 ay mga foreign vessels at halos 3,000 ay domestic vessels.
Tiniyak naman ng hukbong sandatahan na patuloy na pagbabantay nito sa pambansang teritoryo at soberanya ng bansa alinsunod sa international law at sa layuning mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.










