48 Dalian trains sa MRT, magagamit na matapos matengga ng 10 taon — PBBM

Opisyal nang magagamit ng publiko sa unang pagkakataon ang mga Dalian trains sa MRT-3 matapos matengga ng sampung taon.

Inanunsyo ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasabay ng paglulunsad ng 50% discount sa pasahe ng senior citizen at persons with disabilites (PWDs) sa MRT at LRT.

Ayon sa pangulo, ang 48 Dalian trains ay na binili pa noong 2014 mula sa China pero matagal itong na-embargo dahil sa compatibility issues.

Ang bawat Dalian train ay kayang magsakay ng hanggang 1,200 pasahero at inaasahang makakatulong na maibsan ang siksikan sa MRT-3 at mabigyan ng mas komportableng biyahe ang mga commuters.

Personal pang sumakay ang pangulo sa isang Dalian train kasama ang mga senior citizen na unang nakatamasa ng 50% discount sa pasahe.

Sabi pa ng pangulo, unti-unti ring aayusin at ipapasok sa operasyon ang natitirang mga tren para mas mapalakas pa ang serbisyo.

Facebook Comments