Ayon sa impormasyon mula sa Isabela Provincial Information Office, ito na ang second batch intern na ipinadala ng pamahalaang panlalawigan sa naturang bansa.
Ito ay kinabibilangan ng sampung (10) lalaki at tatlumpu’t walo na kababaihan na may edad 30 hanggang 40.
Sila ay mula sa iba’t ibang bayan at siyudad ng Isabela kabilang ang Cabagan (4), Santa Maria (3), Santo Tomas (3), Delfin Albano (2), Gamu (1), Benito Soliven (2), Naguilian (2), San Mateo (5) at San Isidro, City of Ilagan (17), at Cauayan City (1).
Mananatili sa South Korea ng limang (5) buwan ang mga farmer interns upang mapalawak ang kanilang kaalaman, kakayahan at karanasan sa pagtanggap ng modern agricultural technologies mula sa cultivation to harvest agricultural produce kabilang ang fruit trees and facility-grown vegetables.