48-HOUR CHALLENGE? | Pagkawala ni Ica Policarpio, hindi isang prank

Manila, Philippines – Itinanggi ng pamilya Policarpio na bahagi ng isang social media challenge ang pagkawala ng 17-anyos na Ica Policarpio.

Ayon sa kapatid ni Ica na si Bea Policarpio – hindi sumali ang kanyang kapatid sa tinatawag na 48-hour challenge ng ilang kabataan.

Hindi aniya prank ang pagkawala ni Ica dahil aniya ito sa emotional distress na hindi na nila binanggit.


Sa ngayon, sumasailalim na si Ica sa medical evaluation.

Umapela rin ang pamilya na huwag magalit sa dalagita.

Huwebes noong nakaraang linggo nang mawala si Ica mula sa Muntinlupa at Linggo itong natagpuan sa San Pablo, Laguna.

Facebook Comments