Apatnapu’t walong indibidwal ang boluntaryong nagbahagi ng dugo sa isinagawang blood donation drive sa Asingan noong Araw ng mga Puso.
Layunin ng aktibidad na makatulong sa patuloy na kakulangan ng suplay ng dugo sa mga ospital, lalo na para sa mga pasyenteng sumasailalim sa operasyon, naaaksidente, at may iba pang kritikal na kondisyon.
Pinangunahan ang bloodletting activity ng Poblacion West Barangay Council sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Asingan at ng isang medical center.
Ayon sa mga health worker, mahalaga ang bawat donasyon dahil maaari itong makatulong sa hanggang tatlong pasyente.
Bilang pasasalamat, nakatanggap ng libreng bitamina at bigas ang mga nag-donate.
Patuloy naman ang paghihikayat ng Municipal Health Unit sa publiko na makiisa sa mga susunod pang bloodletting activities upang masuportahan ang pangangailangan ng mga ospital.










