48 na menor de edad na sangkot sa riot noong Setyembre 21, pakakawalan na

Pakakawalan na ang 48 menor de edad na sangkot sa riot noong Setyembre 21 , sa kasagsagan ng kilos-protesta sa Mediola, Maynila.

Base sa rekomendasyon ng Manila Prosecutors Office at sa gabay ng Commission on Human Rights, ang mga nasabing menor de edad ay papayagan nang makalabas.

Hinarap kahapon ni Mayor Isko Moreno Domagoso ang mga magulang ng mga Children in conflict with the Law (CICL) para ianunsyo ang nasabing rekomendasyon.

Sasailalim ang mga nasabing menor de edad sa Diverson Program alinsunod sa RA 9344 o Juvenile Justice Welfare Act of 2006.

Kaugnay ng nasabing programa , sila ay magsisilbi ng community service kasama ng kanilang mga magulang para magnilay sa kanilang ginawa.

Facebook Comments