48 oras na liquor ban ipatutupad ng PNP para sa gaganaping eleksyon

Epektibo alas 12:00 ng hating gabi sa May 12 ay ipatutupad na ng Philippine National Police ang liqour ban sa buong bansa.

 

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col Bernard Banac ito  ay parte ng mahigpit na seguridad na ipatutupad n PNP paghahanda sa gaganaping midterm election.

 

Magtatagal aniya ng 48 oras ang  liquor ban na magsisimula nga ng May 12 hanggang midnight ng May 13.


 

Ibigsabihin nito bawal magbenta at bumili ng alak sa mga panahong nabanggit.

 

Ang sinumang mahuhuli ay aarestuhin ng PNP at tiyak na mahaharap sa kaso.

Facebook Comments