Nanumpa na sa katungkulan ang 486 bagong health professionals na magiging kaagapay sa tagapagtaguyod ng inklusibong kalusugan sa mga komunidad sa Ilocos Region.
Bahagi ng National Health Workforce Support System ang mga bagong kasapi na kinabibilangan ng mga nurse, midwives, medical technologists at iba pa na itatalaga sa mga health offices sa mga bayan hanggang sa mga government-run hospitals sa bawat lalawigan.
Sa naturang bilang, 168 ang itatalaga sa Ilocos Sur; 146 sa La Union; 92 sa Pangasinan; at 82 sa Ilocos Norte.
Ang naturang sistema ay estratehiya ng gobyerno upang mapabilis ang pagpapatupad ng Universal Health Care sa pamamagitan ng paglikha ng malakas na local health systems sa buong rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









