488 na bayan at 58 na lungsod, kabilang sa listahan ng ‘Election Hotspot’ ng PNP

Binabantayan ng Philippine National Police (PNP) ang 488 na bayan at 58 na lungsod bilang “Election Hotspot” o mga lugar na posibleng pagmulan ng kaguluhan sa eleksyon 2022.

Ayon kay PNP Acting Director for Intelligence Police Brigadier General Michael John Dubria, tinutukan ng PNP ang 39 na bayan at pitong lungsod na nasa red category.

Ang mga lugar na ito ay kabilang sa Region 2, 3, 5, 6, at pinakamarami sa Bangsamoro Autonomous Region In Muslim Mindanao (BARMM).


Dagdag pa ni Dubria, may apat na kategorya upang matukoy ang hotspot sa eleksyon.

Ito ay green, yellow, orange, at red kung saan pinakamababa ang green category at pinakamataas ang red category.

Samantala, kasama rin sa mga tinitingnan ng PNP para madeklarang hotspot ang isang lugar ay ang mga insidente ng karahasan, political rivalry, at presensya ng mga armadong grupo.

Sa ngayon, hindi pa tinutukoy ng PNP ang mga lugar dahil isinasapinal pa ang magiging listahan ng Election Hotspot.

Facebook Comments