CAUAYAN CITY- Nakapagtala na ng apatnapu’t siyam na aktibong kaso ng COVID-19 sa Rehiyon Dos ayon sa DOH Cagayan Valley.
Sa ginanap na Kapihan para sa Bagong Pilipinas, nabanggit ni DOH Cagayan Valley Center for Development Regional Director Dr. Amelita Pangilinan na simula ika-1 ng Enero hanggang ika-29 ng Hunyo ngayong taon ay nakapagtala na ng 1,941 na kaso ng COVID-19 sa Lambak ng Cagayan.
Watch more balita here: BFP CAUAYAN, NAGSALITA NA KAUGNAY SA NANGYARING SUNOG
Aniya, itinuturing na endemic ang COVID-19 kung saan kontrolado naman na ito at naalis na sa state of emergency.
Nagpaalala naman si Dr. Pangilinan na sundin ang mga health protocols upang maging ligtas laban sa virus na ito.
Sa ngayon, isa ang COVID-19 sa inoobserbahan ng ahensya na kumakalat na virus sa publiko.