49 barangay officials, kinasuhan dahil sa iba’t ibang iregularidad, ayon sa DILG

Umabot sa 49 na barangay officials ang kinasuhan sa Office of the Ombudsman dahil sa mga iregularidad sa pagpatutupad ng Social Amelioration Program (SAP) at paglabag sa quarantine protocols.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, ang mga barangay officials ay nahaharap sa mga reklamo tulad ng pagkakaroon ng kickback mula sa cash aid beneficiaries at pinapaboran ang mga hindi kwalipikadong benepisyaryo.

Tumanggi muna si Diño na isapubliko ang pagkakakilanlan ng mga akusado at kanilang lokalidad.


Iginiit ni Diño na ang mga barangay officials ay dapat nagsisilbing modelo lalo na sa panahon ng pandemya partikular ang pagsunod sa quarantine protocols.

Sa ngayon, maraming reklamo ang natatanggap ng DILG Emergency Operations Center, Hotline 8888, e-mail at text messages.

Pagtitiyak ng DILG na bineberipika nilang mabuti ang mga reklamo para masigurong may merito ang mga isasampang kaso.m

Facebook Comments