49 distressed OFWs mula sa Jeddah at Al Khobar, dumating sa bansa sakay ng magkahiwalay na flights

49 distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) at dalawang dependents mula Jeddah at Al Khobar, Kingdom of Saudi Arabia (KSA) ang dumating sa bansa.

Sila ay sakay ng magkahiwalay na flights ng Saudi Airlines at Qatar Airways.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), ang mga umuwing distressed OFW ay pawang mula sa Bahay Kalinga shelters sa Jeddah at Al Khobar.

Sila ay kinupkop sa shelters ng Embahada at Konsulada ng Pilipinas matapos na makaranas ng hindi maayos na pagtrato mula sa kanilang employers.

Nagpasaklolo sila sa pamahalaan para makauwi na ng Pilipinas at magsimula muling mamuhay.

Tiniyak naman ng DMW ang tulong pinansyal sa distressed OFWs.

Facebook Comments