
Tinukoy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang halos 50 lugar sa Metro Manila na bahain tuwing may malakas na ulan.
Ayon kay MMDA Chairman Atty. Don Artes, ang 49 na lugar ay kanila nang babantayan tuwing may sama ng panahon.
Aniya, magde-deploy ang MMDA ng mga tauhan sa mga bahaing lugar para agad magtanggal ng mga nakabarang basura bago pa man bumaha.
Una nang sinabi ng MMDA na isa sa mga dahilan ng pagbaha sa Metro Manila ay ang basura na nakakabara sa mga drainage system.
Tiniyak ni Artes na kanilang tututukan ang mga bahaing lugar para maiwasang maulit ang naranasang pagbaha sa ilang bahagi ng Metro Manila sa kasagsagan ng Bagyong Crising na sinabayan pa ng habagat.
Facebook Comments









