Halos lima sa bawat 10 Pilipino ang gustong makakuha ng trabaho abroad pero nasa ilalim ng work-from-home status.
Batay sa report ng online job search site ng Jobstreet, ang mga nangungunang bansa na pwedeng pagpilian para sa remote employment ay Australia, Canada at America.
Mula nitong Marso, aabot sa higit 12,000 remote jobs ang available sa Jobstreet.com – kabilang ang customer representative, online English teacher, digital marketer, at web developer.
Lumalabas din sa survey na bumaba ang bilang ng mga Pilipinong gustong magtrabaho sa ibang bansa mula 74% noong 2018 sa 54% ngayong taon.
Mataas ang demand ng work-from-home employment ngayong COVID-19 crisis.
Facebook Comments