49-taong gulang na lalaki nalunod sa sapa sa bayan ng Polomolok

General Santos City—Wala nang buhay at palutang lutang nang natagpuan sa Sapa ng Barangay Maligo, sa bayan ng Polomolok, South Cotabato ang biktimang si Francisco Palen, 49, na residenti ng Barangay Polo, Polomolok, South Cotabato, kamakalawa.

Base sa pahayag sa mga nakakita, tumawid umano ang biktimang si Palen sa Ilog ng Barangay Polo, Polomolok habang sakay sa kanyang motorsiklo nang biglang rumagasa ang malakas na agos ng tubig.

Natumba umano ang biktima at tumama ang ulo nito sa bato, doon na ito inanod ng malakas na agos ng tubig.


Tinangka pa itong tulungan ng mga residenti pero dahil masyadong malalim at malakas ang agos ng tubig hindi na nila ito nasalba pa.

Ilang oras matapos ng insidenti, nakita ang palutang lutang nitong katawan sa sapa ng Barangay Maligo. Habang ang motorsiklo nito ay natagpuan ilang metro ang layo sa lugar kung saan unang natumba at biktima.

Napag-alaman na malakas ang buhos ng ulan sa bayan ng Polomolok noong nakaraang araw na syang dahilan ng pagtaas ng level ng tubig sa sapa ng nasabing Barangay.

Facebook Comments