49th POPCOM Anniversary ipinagdiriwang

Ipinagdiwang ng Commission on Population o POPCOM ang kanilang ika 49th Anibersaryo.
Nagsimula ang kanilang year-long celebration noong ika labing siyam ng Pebrero, 2018 sa pangunguna ng POPCOM Central Office sa lungsod ng Mandaluyong.
Ang tema ng kanilang selebrasyon ay POPCOM@49: Tungo sa Matatag, Maginhawa, at Planadong Pamilyang Pilipino.
Noong ika labing walo ng Pebrero ay nagtungo na ang mga piling staff ng bawat regional POPCOM offices upang makilahok sa nasabing selebrasyon.

Nakiisa rin sa nasabing selebrasyon ang POPCOM Regional Office XII na nasa ARMM Compound, lungsod ng Cotabato.

Nagsimula na rin ang countdown ng nasabing ahensya tungo sa kanilang ika 50th o gintong anibersaryo ngayong araw na ito.
Nabuo ang POPCOM sa bisa ng Executive Order No. 171 noong 1969. (Rahma Chio, NDU BA COMM 3)


Facebook Comments