Bilang ng indibidwal na inilikas mula sa mga binahang lugar sa QC, pumalo na sa mahigit 37-K

Dahil sa patuloy na buhos ng ulan na dulot ng habagat, pumalo na sa mahigit 37,000 ang mga indibidwal ang inilikas mula sa mga binahang lugar sa QC.

Batay sa talaan ng QC local government, umabot na sa 37,373 indibidwal o katumbas ng 10,512 families ang inilikas at namamalagi sa 159 na evacuation center.

Ang mga pamilya ay inilikas sa kanilang mga tahanan sa 63 barangay sa anim na distrito na lubahang naapektuhan ng pagbaha dulot ng habagat.

Tuloy-tuloy naman sa pagkakaloob ng tulong ang pamahalaang lungsod sa mga pamilyang nasa mga evacuation center kabilang dito ang pagbibigay ng food packs at medical assistance mula sa QC health department.

Tiniyak rin ng QC Local Government Unit na may sapat na malinis na inuming tubig, gamot at pagkain sa mga evacuation site.

Nananatili ring bukas ang lahat ng health centers sa lungsod para agad matugunan ang pangangailangan ng mga residente ngayong tag-ulan.

Facebook Comments