Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology- Department of Science and Technology (PHIVOLCS-DOST) ng 248 volcanic earthquakes sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.
Bukod dito, may naitala ring iba pang aktibidad sa Mayon tulad ng 124 volcanic tremors; 112 rockfall events; at 5 pyroclastic density current events.
Namataan din mula sa bunganga ng bulkan ang mabagal na pagdaloy ng lava hanggang 4 kilometers mula sa bunganga nito.
Sa kasalukuyan ay nakataas pa rin sa Alert Level 3 ang Mayon.
Dahil dito, ipinagbabawal pa rin ng PHIVOLCS ang pagpasok sa six kilometers radius Permanent Danger Zone (PDZ) at paglipad ng anumang uri ng sasakyan sa paligid ng bulkan.
Samantala, nakapagtala rin ng pitong volcanic earthquakes kabilang ang tatlong volcanic tremors ang Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras at kasalukuyang nananatili sa Alert Level 1.