4K na kompanya, nakapagtala ng COVID infection sa mga empleyado

Mahigit 4,000 kompanya sa bansa ang nakapagtala ng mga empleyadong tinamaan ng COVID-19 infection.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Assistant Secretary Maria Teresita Cucuenco, mula sa ito 48,000 establisyemento sa buong bansa.

Karamihan aniya sa mga kompanyang ito ay may kaugnayan sa manufacturing, wholesale/retail trade, finance/insurance at construction sectors.


Aniya, mas pinaigting ng DOLE ang kanilang inspeksyon kung sumusunod sa minimum public health standards gayundin sa iba pang health and safety standards ang mga kompanya.

Batay sa DOLE, umabot na sa 72,000 na mga establisyemento ang kanilang personal na nainspeskyon mula sa target na 75,000 nilang kompanya.

Facebook Comments