Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP), ng paglabag sa money ban o ang pagbabawal sa pagdadala ng ₱500,000 na cash o higit pa limang araw bago at sa mismong araw ng halalan.
Ayon kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr. naitala ito sa Region 10 kung saan huli sa checkpoint ang isang supporter ng kandidato na may dala-dalang bundle ng pera noong Linggo, Oct. 29.
Ani Acorda, sa kasamaang palad tumanggi ang testigo na mag execute ng kanyang affidavit kaya’t hindi naipagharap ng reklamo ang naturang supporter.
Aniya, hindi naman umano umabot sa ₱500,000 ang dalang pera ng nahuling supporter.
Samantala, wala ding na-monitor ang PNP na kahina hinalang transaksyon sa mga virtual wallet app.
Facebook Comments