4Ps beneficiaries at mga sundalo, kabilang sa mga ipaprayoridad sa COVID-19 vaccine – Pangulong Duterte

Muling tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na malapit ng magkaroon ng bakuna laban sa COVID-19 kasunod ng planong pagtatayo ng Russia ng vaccine manufacturing facility dito sa Pilipinas.

Sa kanIyang public address kagabi, sinabi ni Pangulong Duterte na kung makatatalima ang Pilipinas sa mga patakaran, posibleng sa Abril ng susunod na taon ay darating na sa bansa ang bakuna.

Nakausap din ni Pangulong Duterte si Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev kung saan nais nilang gumawa ng pharmaceutical plant dito sa bansa.


Siniguro rin ni Pangulong Duterte mayroong pondo ang Pilipinas para makabili ng bakuna laban sa COVID-19.

Sa ngayon aniya ay naghahanap pa sila ng karagdagang pondo para mabakunahan ang lahat ng Pilipino.

Dagdag pa ng Pangulo, ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) ang unang makatatanggap ng bakuna.

Kasama rin sa mga ipaprayoridad sa COVID-19 vaccine ay ang security forces.

Ang third phase ng clinical trial ng Russian vaccine na Sputnik V ng Gamaleya Research Institute of Epidemiology and Microbiology ay sabay na isasagawwa sa Pilipinas at Russia mula October 2020 hanggang March 2021.

Inaasahang maipaparehistro ito sa Food and Drug Administration (FDA) sa Abril ng susunod na taon.

Facebook Comments