4P’s beneficiaries, hindi na kasama sa educational assistance ng DSWD

Nilinaw ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na hindi na makatatanggap ng educational assistance mula sa ahensya ang mga benepisyaro ng Pantawaid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Paliwanag ng kalihim, may natatanggap nang P600 hanggang P800 kada buwan na educational aid ang mga miyembro ng 4Ps kaya hindi na sila sakop pa ng ipinamamahagi ngayong ayuda ng ahensya.

Giit pa niya, ang 4Ps ay para naman talaga sa edukasyon ng mga bata at hindi para sa pang-araw-araw ng panggatos ng mga pamilya.


Bago ito, sinabi ni Tulfo na kwalipikado pa ring makatanggap ng student cash aid maging ang mga benepisyaryo ng 4Ps kaugnay ng pagbubukas ng klase sa buka, August 22.

Humingi naman ng paumanhin si Tulfo sa 4Ps beneficiaries at nilinaw din na hindi sila kasama sa Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS program ng ahensya.

Kahapon, matatandaang dinumog at nagkagulo pa sa mga tanggapan ng DSWD ang mga magulang at estudyante na kukuha sana ng cash assistance.

Dahil dito, humingi na ng tulong ang DSWD sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para gawing mas maayos ang pamamahagi ng ayuda.

Facebook Comments