Nilinaw ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang usapin hinggil sa pagbabalik ng NFA rice sa merkado.
Kasunod na rin ito ng mungkahi ni DA Sec. William Dar na ibalik ang NFA rice sa merkado pero para lang sa mga Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps beneficiaries.
Sa panayam ng RMN Manila, nilinaw ni DA Assistant Secretary Spokesperson Noel Reyes na hindi lilimitahan ang pagbebenta ng NFA rice sa merkado.
Bagkus ay ipa-prayoridad lamang aniya ang mga 4Ps beneficiaries.
Ayon pa kay Reyes, kailangan lang muna magkaroon ng Executive Order (EO) upang maipatupad ang naturang programa.
Dagdag pa ni Reyes, posibleng maihabol ang EO bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pagdidiin din ni Reyes, pwede na rin simulan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa mga 4Ps dahil meron pang natitirang budget ang nasabing ahensya.