Nag-resume nitong Sabado ang payout ng cash grants sa beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa 20 barangays sa Kapai, Lanao del Sur.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DWSD)-ARMM, naantala ng ilang buwan ang payout dahil kinailangan nilang i-revalidate ang mga benepisyaryo at ang kanilang data sa lugar.
Kabuuang 3, 276 na validated beneficiaries ang nag-claim ng kanilang cash grants sa payout.
Bawat beneficiary ay tumanggap ng hanggang P30, 000, kasali na dito ang karagdagang P600 kada buwan na rice subsidy na sinimulan ng Duterte administration.
Ang payout ay isinagawa sa Barangay Pindolonan, Kapai, Lanao del Sur at pinangasiwaan ni ARMM Regional Vice Governor and concurrent Social Welfare Secretary Haroun Alrashid A. Lucman, Jr. at DSWD Regional Assistant Secretary on Administrative and Finance (ASECA) Pombaen Karon-Kader.(photo credit:bpiarmm)
4Ps beneficiaries sa Lanao del Sur, nakatanggap na muli ng cash grants!
Facebook Comments