4Ps Beneficiaries sa Region 2, Sakop pa rin ng ‘Social Amelioration’ ng Gobyerno

*Cauayan City, Isabela*-Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 na mabibigyan din ng tulong pinansyal ang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa ilalim ng ‘Social Amelioration’ matapos lagdaan ni Pangulong Duterte ang ‘Bayanihan to Heal as One Act’.

Ayon sa pahayag ni Ginoong Franco Lopez, DRRMD Chief ng DSWD-2, target aniya ang mga 4Ps beneficiaries dahil isa ito sa mga higit na apektado ng umiiral na Enhanced Community Quarantine dahil sa banta ng COVID-19.

Paliwanag pa ni Lopez na ang bahagi ng kanilang Rice Subsidy at Health Benefits kada buwan na tinatayang nasa mahigit P1,000 ay ang remaining nito ay manggagaling pa rin sa matatanggap nilang P5,500 kung kaya’t buo pa rin ang kanilang makukuhang ayuda sa gobyerno.


Giit pa ng opisyal na kinakailangang pirmahan ng kapitan ng barangay ang ‘Certification’ na nagpapatunay na ang isang indibidwal ay eligible o karapat-dapat na mabigyan ng ayuda mula sa gobyerno.

Tiniyak naman ng DSWD na mabibigyan ng cash assistance ang mga taong higit na nangangailangan at sisiguraduhin na mapapanagot ang mga opisyal ng barangay na mamumulitika.

Facebook Comments