Pinatunayan ng pamilya ni Wilson Rasos ng Barangay Balincanaway, Rosales, na sa tulong ng sipag, tiyaga, at determinasyon, posible ang pag-angat sa buhay.
Bilang 4Ps beneficiary, ginamit ng pamilya ang mga natatanggap na benepisyo para sa edukasyon ng kanilang apat na anak.
Nakapagtapos na sa kolehiyo ang panganay na si April Ann Rasos sa kursong Hotel and Restaurant Management, habang ang isa pa ay magtatapos sa susunod na taon at dalawa pa ang kasalukuyang nag-aaral.
Ibinahagi rin ni Tatay Wilson na malaking inspirasyon para sa kanilang pamilya ang makita ang bunga ng kanilang mga sakripisyo sa pag-aaral ng mga anak.
Ayon sa kaniya, malaking tulong ang programa upang mabigyan ng pagkakataon ang kanilang mga anak na makamit ang edukasyon at makabangon sa hirap ng buhay.









