4Ps members ng DSWD, tatanggap na rin ng mga smart phone maliban sa financial assistance

Maliban sa financial assistance, tatanggap na rin ng smart phones ang mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, abot sa 50 beneficiaries na mga taga-Navotas City at Malabon ang unang tatanggap ng brand new phones.

Ayon sa kalihim, nasa 32,684 beneficiaries lamang ng programa ang makakatanggap ng mobile phones nationwide na nasa Level 1 o nasa Survival Level at nakatira sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA).


Hinikayat ng DSWD ang mga 4Ps beneficiaries na aralin na ang paggamit ng digital financial system gamit ang bagong smart phones na bigay sa kanila.

Gayundin sa iba pa nilang transaksyong pinansyal, gaya mga serbisyong maaaring makatulong sa kanilang kabuhayan.

Facebook Comments