Nagsasagawa ngayong hapon ng pagpupulong ang mga opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para pag-usapan ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s.
Ito kasunod ng panawagan ng mga mambabatas na pag-aralan muli ang naturang programa matapos ang inilabas na ulat ng Commission on Audit (COA) na 90% ng mga benepisyaryo ng 4P’s ay nananatiling mahirap.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Spokesperson Romel Lopez, nirerespeto ng kanilang ahensya ang ulat ng COA, pero malaking factor aniya sa naturang bilang ay ang pagtama ng COVID-19 pandemic sa bansa.
Kaya naman, sinabi ni Lopez na welcome sa kanila ang kahilingan ng mga mambabatas hinggil sa 4P’s at handa sila na magpakita ng mga datos.
Batay sa datos ng DSWD, inihayag ni Lopez na nasa 576,174 ang natulungan ng makapagtapos ng pag-aaral simula ng mag-umpisa ang 4P’s hanggang ngayon.
Habang, nakikita pa aniya nila na may halos kalahating milyon pa ang magsisipagtapos matapos ang isinagawang re-validation.
Dagdag pa ni Lopez, nasa 10.6 na ang nakapagtapos ng elementarya, kung saan 1.4 dito ay highschool at senior high school.
32,500 naman ang nakapagtapos na ng kolehiyo, kung saan 4,111 ang board passer at 11,604 ay mayroong ng maayos at magandang trabaho.
Kasunod nito, iginiit ni Lopez na mahaba-haba talaga ang proseso sa kanilang mga benepisyaro ng 4P’s na layon nila na maingat ang buhay.