4Ps, pinaalis ng isang senador; pangkabuhayan, mas dapat na ibigay sa mga mahihirap na Pilipino

Iminungkahi ni Senator Erwin Tulfo na alisin na ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps at sa halip ay pangkabuhayan na lamang ang ibigay ng pamahalaan.

Ayon kay Social Justice and Welfare Chairman Erwin Tulfo, ang kanyang rekomendasyon ay para matuldukan na ang anumang pang-aabuso na ginagawa ng ilan sa programa.

Sinabi ng senador na noong siya pa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary ay ipinaabot sa kanya ng ilang myembro ng 4Ps na mas gusto nilang bigyan na lamang sila ng pangkabuhayan kesa sa buwanang ayuda.

Paliwanag ng mambabatas, kapag binigyan sila ng puhunan para makapagtayo ng maliit na karinderya o sari-sari store ay mayroon silang magiging ambag sa ekonomiya ng bansa.

Sinabi ni Sen. Erwin na hindi rin naman patas sa mga low wage earner tulad ng mga security guards, janitor, o kasambahay na hindi magkakasya ang sahod pero hindi naman kasama sa nakakatanggap ng ayuda sa 4Ps dahil hindi sila qualified.

Facebook Comments