Matagumpay na isinagawa ang isang aktibidad para sa mga kabataang benepisyaryo ng 4Ps sa bayan ng Bugallon upang tulungan ang mga ito sa pagtuklas sa kanilang mga kakayahan.
Ang programang Youth Development Session ay isinagawa para sa mga underprivileged na kabataan o ang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa bayan.
Ang naturang development session ay napapatungkol sa pagpapalakas ng kamalayan ng mga at paglilinang sa kanilang mga kakayahan kung Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) kanila itong magagamit at makakasabay sa makabagong henerasyon.
Isa pang layunin ng aktibidad na ito ay upang mapatatag ang kanilang mga kalooban sa mga pagsubok na kanilang kinakaharap.
Ang 4Ps ay isa sa programa ng gobyerno na bigyan ng tulong ang mga mahihirap na pamilya na pag-aralin ang mga anak ng mga benepisyaryo. |ifmnews
Facebook Comments