Muling pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko sa dengue.
Sa huling datos ng DOH Epidemiology Bureau mula January 1 hanggang June 22, aabot na sa 98,179 dengue cases at 428 dito ang nasawi.
Ang pinakamaraming kaso ng dengue ay naitala sa Western Visayas (11,285 cases), sumunod ang Calabarzon (10,313 cases), Central Visayas (8,773), Soccsksargen (8,297) at Southern Mindanao na may 8,289.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III – lumalaganap ang dengue tuwing tag-ulan kaya mainam na gawin ng bawat residente ang tinatawag na ‘4s Strategy’ upang mapigilan ang pagkalat nito.
Sa ilalim ng 4s Strategy: search and destroy; self-protection; seek early consultation; support fogging or spraying.
Facebook Comments