4th Batch ng mga Brgy. Rescue Vehicles itinurn-over sa Maguindanao

40

Dalawamput siyam na mga Brgy. Rescue Vehicles ang muling itinurn- over kahapon ng Maguindanao Government. Ito na ang 4th BATCH ng mga naibigay na mga sasakyan para sa ibat -ibang baranggay ng lalawigan. Layunin nito ay para magamit ng mga baranggay sa pagpapaabot ng mga basic services, lalo na sa mga panahon ng kalamidad maging ngayong panahon ng may pandemya ayon pa kay Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu na syang nanguna sa aktibidad sa Provincial Capitol Ground. Sa ngayon, may 90 na Baranggay na ang nabibigyan ng Rescue Vehicles sa Maguindanao


Facebook Comments